Add parallel Print Page Options

Hindi(A) siya binigyan ng anuman doon bilang mana, kahit man lamang isang hakbang na lupa. Subalit ipinangakong ibibigay iyon sa kanya bilang ari-arian niya at sa kanyang mga anak[a] na susunod sa kanya bagaman wala pa siyang anak.

Ganito(B) ang sinabi ng Diyos, na ang kanyang binhi ay maninirahan sa lupain ng iba, at sila'y magiging alipin nila at aapihin nang apatnaraang taon.

‘At(C) ang bansang aalipin sa kanila ay aking hahatulan,’ sabi ng Diyos. ‘Pagkatapos ng mga bagay na ito ay lalabas sila at sasambahin nila ako sa dakong ito.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 7:5 Sa Griyego ay binhi .